hOw tO mAkE a fiLipiNO aCtiOn mOviE..

1. Syempre ang unang character ay ang bidang lalaki; matipuno, matapang, kadalasan mahirap, kulang sa pinag-aralan, yung iba barumbado ,syempre sweet lover (galing mambola).2. And obviously kung may bida pwede bang mawala ang kontrabida, maong jacket, leather jacket. Yung mga goons, private armies, sindikato at kriminal kahit anong init sa Pilipinas naka leather/maong jacket pa rin sa pelikula at hindi man lang pinapawisan at parang cool na cool pa sa pagsalo ng mga suntok at sipa ng ating bida. Taga-salo rin sila ng mga balang nailagan ng leading man. Dalawa lang ang ending para sa mga bad guys ng sineng Pinoy… bugbog sarado at kalaboso o patay.

3. Leading lady. Dapat mas bata sa bida, mas bumabata mas maganda, mayaman, sexy, maganda, edukada at dapat may taray factor.

4. Pompyang. Hindi kumpleto ang isang fight scene sa sine kung walang mapopompyang! Wapaksss!!!

5. Kabit. Dahil mas exciting kung ang bida natin ay may pagka-pabling kaya may gumaganap ng number two. Swerte talaga ng bida!

6. Love scene. Eto ang paborito ng mga kurimao movie goers. Ang makita ang bitin na love scene ng bida at ng leading lady. Pag malapit ng makarating dun sa hindi daw dapat makita ng mga bata ay palaging magpopokus ang kamera sa buwan, sa langit na madilim, sa kurtina sa bintana o kaya naman ay sa isang bungkos ng bulaklak.

7. Kantahan sa pelikula. Kalimitan itong nangyayari sa isang parke o plaza kung saan maraming tao…at syempre pa lahat ng tao sa paligid bigla na lamang makikisayaw at makiki-awit sa ating mga bida na para bagang tatlong linggo na nila napraktis ang koryograpiya.

8. Pasabog epeks. Kung wala raw mga pasasabugin at susunugin eh hindi mabenta sa takilya ang isang pelikula. Kalimitan ginagawa sa isang lumang warehouse, sa junk yard o lay down area ng mga imburnal o malalaking pipe. Mura lang kasi kung ang susunugin at wawasakin ay yung mga luma nang gamit. Marami pa ditong pwedeng pasabugin na kaha ng kotse. Maganda rin itong lokasyon kasi maraming pwedeng pagtaguan ang kontrabida para makapag-sigawan pa sila ni Mr. Bida ng mga maaanghang na salita bago mag duwelo.

9. Nagsasalita pa ng isang linya ang kontra bida bago barilin ang bida tuloy nauunahan pa ng bida.

10. Pulis Patola. Ito ang mga kahanga-hangang pulis natin na palaging huli na kung dumating. Kung kailan naubos na ng bida ang mga sindikato tsaka pa lamang sila magsisidatingan. Hindi pa naka-uniform at may tali lang ng puting good morning towel sa ulo para masabing pulis sila….eh hindi naman sila nagbabalalkayo para mag espiya…kasi galing naman sila straight from their police station!

11. Side kick. Hindi kumpleto ang humor sa sine pag wala ang palaging maaasahan na side kick. Sagot nya ang mga punch line, ang pingot ng bida, ang supply ng mga armas at bala. Pati ang galit ng kontrabida sinasalo nya kaya malimit nabubugbog at nagiging dahilan para magkaroon ng huling duwelo.

12. Baril at magazine. Kapag wala ng laman na bala ang magazine ng baril, itinatapon lamang ito sa pelikula as if disposable ito. Pati na rin mismo baril itinatapon lang sa tabi pag wala ng spare magazine. Kung talagang naubusan naman ng bala ang ating bida palaging may available na armas na mapupulot nya lang sa tabi tabi para magamit at maipagpatuloy ang labanan.

13. Linya ng bidang lalaki o ng babae ay ang titulo ng pelikula.

Advertisements

TiVo comes to Canada

TiVo, the popular U.S. television-recording device, is finally arriving in Canada in early December.

The TiVo set-top device, which allows viewers to record shows and skip commercials, will be available across Canada — except in Quebec — through Best Buy, Future Shop, The Brick and London Drug stores for $199. Device owners also need to subscribe to the TiVo service, which has a monthly subscription price of $12.95, with discounts available on long-term contracts.

read more

SWITCHED DIGITAL VIDEO

What is SDV?

SDV stands for Switched Digital Video, a scheme where not all TV channels are broadcast out from the cable headend to the homes that it serves all of the time.

What does this mean for the Series 3 and Tivo HD?

At the current time, the Series 3 and Tivo HD is not able to communicate upstream to the cable headend, so it cannot send the request for channels that are assigned to SDV. Users of the S3 and THD will not be able to watch or record any of these channels. TiVo is working on a work around.


Which channels will be converted to SDV?

Traditional methods send every channel to everyone, and if no one on your headend is watching that channel the bandwidth is effectively wasted.

Is this likely to change anytime soon?

The NCTA and TiVo announced that a dongle will be available in the first half of 2008 that will enable the TiVo to work with SDV channels. It will be a USB device that connects to a USB port on the TiVo and then plugs into the cable TV cable.

What about FIOS?

Right now, because of the fact that FIOS uses fiber optic cable to your house, FIOS has no need to deploy SDV – they have all the bandwidth that they need.

Where is SDV located right now?
SDV deployments are changing very rapidly, but according to a recent article in the WSJ (reg required) and a few reports from members, here are the markets that have at least one SDV channel.

read more

aRe yoU cOloR bLinD?

I really would have not known this fact if my cousin Jing Misa (almost my age) took up a course to be a seaman in PMI colleges which was in demand then. Well not like me he graduated easily and took up the exam to be a fully pledge seaman, a color blindness test. He too was unaware of this fact until that day. He was color-blind and he couldn’t be a seaman and would never be a seaman. The fact was he wasted all those years learning how to be one and trying to be one just to know afterwards that he is not capable. All I am trying to say is that colleges, schools or universities should let them take the color blind test first before letting them took the whole course.
And thanks to cheh for inspiring me to write this…

WHAT DO YOU SEE IN THE BOXES?

answer
What is Color Blindness?

Color Blindness, or Color Vision Deficiency, is an eye condition where a person is not able to distinguish certain colors or shades of colors to some degree. Color Blindness does not mean that a person can only see black and white. A person with color blindness is able to see different colors, however they are not able to see some colors due to deficiencies in the eyes. Color blindness is a hereditary condition but can also be caused by eye diseases, damage to the retina and macula, and aging or when the lens is darkened over time from a cataract. Although there is no absolute treatment for hereditary color blindness, there are methods, techniques, and special glasses that may help people with color blindness differentiate different colors but not truly see them. The English chemist John Dalton in 1798 published the first scientific paper on the subject, “Extraordinary facts relating to the vision of colours”, after the realization of his own color blindness.

http://colorvisiontesting.com/
http://www.toledo-bend.com/colorblind/Ishihara.html

I am color blind… if you are too please do leave a comment, if not good for you but do leave a comment to…

DEKADA mo?

“Ito ang mga huling taon ng dekada ’80 at ang mga unang taon ng dekada ’90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you’re one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superheromarathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi’s Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo – pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang “Kool 106, Kool 106” hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, teleber teleber, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang “PUNKS NOT DEAD!” pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na “Uwian na!” na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang “text” noon ay mga 1″x1.5″ na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d’ Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa’yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can’t Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mongnakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong “Mighty Kid”

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola, super tramp, at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you’re girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari. Ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Kilala mo din si He-man, astroboy, She-ra, snorkles, smurf, care bears, inhumanoid, ghost busters, macross, visionaries at thundercats

23. Ikaw ay nagdikdik ng dahon ng gumamela, nagtunaw ng sabong panglaba (dapat bareta), at gumamit ng tangkay ng dahon ng papaya para mag “blowing-bubbles”

24. Alam mo ang ibig sabihin ng “TIME FIRST!”

25. Iniihip mo ang contacts ng catridge ng Family Computer / NES kung ayaw gumana ng bala

26. IDOL mo din si McGyver

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro’y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?”

its nice to be viewed…

Right now i got 472 hits in this site of mine and 25 comments, not bad ayt? I just hope it would gain more friends not just merely viewers. It is quite nice to read comments that has real sense and not just spam messages just to increase the stats of one’s site. Though it’s a big step for my site, and for that I thank you, but an honest and true message that comes from one’s reader is more endearing than a 100 spam messages.

Again thanks and hope we could be friends….

as of 11-23-07     605 hits           again thanks

as of 11-28-07     879 hits           appreciate it so much

BAHAW TUTONG

bahaw tutong- kaning lamig na sunog…
madami sa ating kababayan ang natitikman ang ganitong pagkain at hindi po ako isa sa mga taong yun… Narito ako para ibahagi ang iba’t ibang mga lutuin at mga pagkain sa ating bansa na maaaring tayo lang ang gumagawa o kung meron mang iba ay hindi nila magaya gaya ang ating timpla…