hOw tO mAkE a fiLipiNO aCtiOn mOviE..

1. Syempre ang unang character ay ang bidang lalaki; matipuno, matapang, kadalasan mahirap, kulang sa pinag-aralan, yung iba barumbado ,syempre sweet lover (galing mambola).2. And obviously kung may bida pwede bang mawala ang kontrabida, maong jacket, leather jacket. Yung mga goons, private armies, sindikato at kriminal kahit anong init sa Pilipinas naka leather/maong jacket pa rin sa pelikula at hindi man lang pinapawisan at parang cool na cool pa sa pagsalo ng mga suntok at sipa ng ating bida. Taga-salo rin sila ng mga balang nailagan ng leading man. Dalawa lang ang ending para sa mga bad guys ng sineng Pinoy… bugbog sarado at kalaboso o patay.

3. Leading lady. Dapat mas bata sa bida, mas bumabata mas maganda, mayaman, sexy, maganda, edukada at dapat may taray factor.

4. Pompyang. Hindi kumpleto ang isang fight scene sa sine kung walang mapopompyang! Wapaksss!!!

5. Kabit. Dahil mas exciting kung ang bida natin ay may pagka-pabling kaya may gumaganap ng number two. Swerte talaga ng bida!

6. Love scene. Eto ang paborito ng mga kurimao movie goers. Ang makita ang bitin na love scene ng bida at ng leading lady. Pag malapit ng makarating dun sa hindi daw dapat makita ng mga bata ay palaging magpopokus ang kamera sa buwan, sa langit na madilim, sa kurtina sa bintana o kaya naman ay sa isang bungkos ng bulaklak.

7. Kantahan sa pelikula. Kalimitan itong nangyayari sa isang parke o plaza kung saan maraming tao…at syempre pa lahat ng tao sa paligid bigla na lamang makikisayaw at makiki-awit sa ating mga bida na para bagang tatlong linggo na nila napraktis ang koryograpiya.

8. Pasabog epeks. Kung wala raw mga pasasabugin at susunugin eh hindi mabenta sa takilya ang isang pelikula. Kalimitan ginagawa sa isang lumang warehouse, sa junk yard o lay down area ng mga imburnal o malalaking pipe. Mura lang kasi kung ang susunugin at wawasakin ay yung mga luma nang gamit. Marami pa ditong pwedeng pasabugin na kaha ng kotse. Maganda rin itong lokasyon kasi maraming pwedeng pagtaguan ang kontrabida para makapag-sigawan pa sila ni Mr. Bida ng mga maaanghang na salita bago mag duwelo.

9. Nagsasalita pa ng isang linya ang kontra bida bago barilin ang bida tuloy nauunahan pa ng bida.

10. Pulis Patola. Ito ang mga kahanga-hangang pulis natin na palaging huli na kung dumating. Kung kailan naubos na ng bida ang mga sindikato tsaka pa lamang sila magsisidatingan. Hindi pa naka-uniform at may tali lang ng puting good morning towel sa ulo para masabing pulis sila….eh hindi naman sila nagbabalalkayo para mag espiya…kasi galing naman sila straight from their police station!

11. Side kick. Hindi kumpleto ang humor sa sine pag wala ang palaging maaasahan na side kick. Sagot nya ang mga punch line, ang pingot ng bida, ang supply ng mga armas at bala. Pati ang galit ng kontrabida sinasalo nya kaya malimit nabubugbog at nagiging dahilan para magkaroon ng huling duwelo.

12. Baril at magazine. Kapag wala ng laman na bala ang magazine ng baril, itinatapon lamang ito sa pelikula as if disposable ito. Pati na rin mismo baril itinatapon lang sa tabi pag wala ng spare magazine. Kung talagang naubusan naman ng bala ang ating bida palaging may available na armas na mapupulot nya lang sa tabi tabi para magamit at maipagpatuloy ang labanan.

13. Linya ng bidang lalaki o ng babae ay ang titulo ng pelikula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: