word OF d dAy – patotot

pAtotot – ops bago ka magalit at iclose ang window na ito eh basahin muna talaga ang ibig sabihin ng patotot. Wag ka maciadong green minded, hindi nga yun yon. Ang patotot ay yung taya sa gitna sa larong patintero, sya yung humahabol dun sa mga kalaban at tumataya sa kanila para hindi sila makabase.

hindi kita pakakawalan
lagi kang babantayan
subukan mo man lumusot
sa guhit na gawa ng imahinasyon
at tumakbo papalayo sa piling ko

haharangan kita
sa abot ng makakaya
pilit kang ikukulong
sa apat na sulok ng mundo
na iniikutan ko

kung magpumilit ka
sisiguraduhin ko
magbabanggaan ang ating mga sulyap
kahit na ikaw ay makiusap
pagmamatigas ang aking ihaharap

ang sarili ko
sayo lang nakalaan
kung nakatingin ka man sa hinaharap
maging balakid man ang aking katauhan
at pilit na binabalewala

kung maka alpas ka man
sa harang na likha ng katha
susunod ako
sa guhit na ginagalawan ko
masiguro lang ang paghabol sayo

at kung sakaling bumalik ka
haharangin ka pa kaya?
kung ang puntirya mo
ang dumaan lang muli sa harap ko
at tuluyan nang lalayo…

paano ba ito?
hindi naman ako pwedeng magpatalo
kaya hindi kita pakakawalan
hindi ko na hahayaan
puso ko’y muling masaktan

mula kay DUNI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: