MottO of tHe dAy

“Two heads are better than one.” – Tatiana and Anastasia Dogaru, born in Italy but are of Romanian descent.

Beef Pares

Isa sa mga paborito kong kainin na ulam. Kasunod sa Sisig, Beef Pares ang isa sa hinahanap kong putahe sa labas. Dapat may masarap na sinangag na todo sa bawang saka ciempre wag mawawala ang pinakuluang medyas (soup #5 mas masarap). Actually Im looking for the best Pares in the land. Sa ngayon eh sa Partners ang may pinakamasarap na nakainan ko ng Pares. Pares is a dish originating in the Philippines. Literally meaning “pair”, this dish is a combination of a beef stew viand and a bowl of soup, both served with rice. Cuts with lots of litid (ligaments) are used to achieve a texture that is tender and sticky at the same time. Brisket and shanks are ideal for making beef pares.
The stew is made with beef cutlets cooked in sweet soy sauce and anise, topped with spring onions. The soup is made by combining a portion of the stew sauce with some pre-cooked soup stock.

eRap Joke

While in New York city, Erap bumped a man.
Man : Hey, watch where you’re goin’ you “MUDAFUCKA”.
Erap : Eh ta-tanga tanga ka pala, “MADAFA KA RIN SANA”!!

woRd of D day – casafuego

Casafuego

Written by Rey Tamayo Jr.
Tuesday, 30 May 2006
Patpating katawan ang anyo mo’t hubog
Ulo mo’y kay liit ngunit labis ang bagsik
Ngunit kong ikaw ay magalit ,sinong di matatakot
Lagablab na alab ang dulot mo

Ang kublihan mo’y anong kay tatag
Hinulma sa katahimikan ng panahon
Para bang adobe ang iyong higaan
At ang iyong tanggulan ay konkretong pader

Aking napag tanto
Kaya ka pala ikinulong
Sa mala bartulinang pook sa dilim
Ay upang ingatan at huwag makapinsala

Sayong pag kakatulog sa mahaba habang panahon
Hindi ka pinapansin ng siglo ngayon
Dahilan siguro sa iyong katapangan
Na ang iyong galit, mundo ay kayang tupukin
Ang maliit mong anyo
Waring higante kung tititigan.

Sa iyong pag iisa sa kadiliman
Sa mahabang panahon ng pagkakaidlip
Kalian ka kaya lalabas?
At sinong matapang na magpapalaya?

Isang panahon ikaw ay dinakila
Na ang sangkalupaan noon ay nahahawakan ang dilim
Ikaw ang nagbigay ng labis na pag asa
Upang lumiwanag ang sagimsim ng gabi.

Gusto kitang hanapin at ikaw ay masuri
Alam kong sa kaunting liwanag may aral akong makukuha
Na ang bagsik ng iyong mukha nais ko rin pagmasdan
Ang tanglaw ng isang casafuego.

casafuego- posporo