LuFet mU!!!

Pag gising ko pa lang eh masama na pakiramdam ko dahil sa sipon. Magkaubo, sumakit na ulo ko wag lang magkasipon. Kakahiya kaya yung tumutulo uhog mo habang naglalakad, nakatayo, nakikipag usap, o nagpapacute ka sa crush mo. Hindi ba badtrip yun. Tapos umulan pa kanina ng ubod lakas akala ko eh bumalik si pareng Frank. Pero hindi yan ang dahilan kung bakit ganyan ang title ng post kong ito. Pauwi na kasi ako galing sa aking pagseserbis (wak grin minded) sa bandang Philcoa. Sumakay ako ng bus papuntang Quiapo dahil mas mura pamasahe dun kesa sa mga jeep, at kahit na siksik liglig ang tao at halos nasa estribo na ako eh nagpilit pa rin akong pumasok. Dyaskeng katabi ko halos magtumbalelong na ako sa pagtayo eh tsinatsangsingan pa ako eh parehos kaming barako soi nairita ako kaya nagsumiksik pa ako sa loob hanggang may nagbabaan na sa bandang Delta. At sa wakas nakaupo na ako sa bandang hulihan ng bus at dun ako nagimbal sa  aking napuna. NADUKUTAN ako ng cellphone ng pesteng nanantsing sa akin. Ang malufet dun eh 3310 lang cellphone ko, napagtyagaan nya pang dukutin eh kung nahuli ko sya eh di nabugbog sya dahil sa 3310. Kaya sana lang dapat dinunkot nya yung kaliwang bulsa ko dahil nandun yung PSP na hinihiram ko parati kay utol. Kaya announcement po sa mga nakakaalam ng cp # ko, wala na po akong cp kaya wak na po kayo magtext dun. Sa mga taong gusto akong bigya ng celphone eh malugod ko pong tatanggapin kahit N93 lang eh pagtiyatiyagaan ko po. Just see posters and print adds for details.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: