waaaaaahhh nahigad ako kaninang tanghali pag katapos naming kumain kanila Mang Gerry na madalas naming kainan ng mga kaofcmates ko. Ang kati kateeeeeeeeeeeee. Kinamot ko kaya kumalat sa buong likod ko pati sa balikat at braso ko. Kaya kayo pag nahigad wag nyong kakamutin, lagyan nyo daw suka (d ko ginawa kase may mga seserbisan pa akong mga customer) bumili na lang ako ng antihistamine. Hanggang sa ngayon eh namamantal pa likod ko at nangangati pa rin, gusto ko sana kunan ng piktyur nga lang nahiya akong ipakita. Kaya imadyinin nyo na lang muna ha.
Filed under: personal |
Leave a Reply