woRd of D day – casafuego

Casafuego

Written by Rey Tamayo Jr.
Tuesday, 30 May 2006
Patpating katawan ang anyo mo’t hubog
Ulo mo’y kay liit ngunit labis ang bagsik
Ngunit kong ikaw ay magalit ,sinong di matatakot
Lagablab na alab ang dulot mo

Ang kublihan mo’y anong kay tatag
Hinulma sa katahimikan ng panahon
Para bang adobe ang iyong higaan
At ang iyong tanggulan ay konkretong pader

Aking napag tanto
Kaya ka pala ikinulong
Sa mala bartulinang pook sa dilim
Ay upang ingatan at huwag makapinsala

Sayong pag kakatulog sa mahaba habang panahon
Hindi ka pinapansin ng siglo ngayon
Dahilan siguro sa iyong katapangan
Na ang iyong galit, mundo ay kayang tupukin
Ang maliit mong anyo
Waring higante kung tititigan.

Sa iyong pag iisa sa kadiliman
Sa mahabang panahon ng pagkakaidlip
Kalian ka kaya lalabas?
At sinong matapang na magpapalaya?

Isang panahon ikaw ay dinakila
Na ang sangkalupaan noon ay nahahawakan ang dilim
Ikaw ang nagbigay ng labis na pag asa
Upang lumiwanag ang sagimsim ng gabi.

Gusto kitang hanapin at ikaw ay masuri
Alam kong sa kaunting liwanag may aral akong makukuha
Na ang bagsik ng iyong mukha nais ko rin pagmasdan
Ang tanglaw ng isang casafuego.

casafuego- posporo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: