word Of the daY – Agimat

Agimat– anting-anting or bertud

Maraming klase nito, depende saan mo gagamitin, may pangsuperstrength na para kang si superman, may pwedeng gamitin para magbago ng anyo, maging invisible at kung anu-ano pa. May iba ibang sukat at hugis pati disenyo. At kung saan ito makukuha ay kung saan saan din. Kagaya ng puso ng saging, pusang itim, matandang ermitanyo sa loob ng kweba at sa Quiapo. Dun sa tabi ng mga nagbebenta ng pito-pito. Wag mo lang kakalimutan yung mga orasyon at mga do’s and dont’s ng mga agimat na ito, nakasulat naman yan sa manual ng pinagbilhan mo. Kung pinamana naman sa iyo dapat kabisaduhin at tandaan mo yung binulong sa tenga mo na parang Latin na may pagkakapampangan. Ang may pinakamarami na sigurong koleksyon nito eh si Ramon Revilla Sr. Halos maniwala talaga ako nun sa mga palabas nya kaya pag hating gabi sa bayan namin sa Dinalupihan Bataan eh lumabas ako para saluhin yung tutulo na kung ano man dun sa puso ng saging sa likod bahay namin. Alanghiya nagkandangawit na panga ko kakahintay eh wala pa ding tumutulo, ang ginawa ko kumuha ako ng upuan at sinupsop ko yung dulo ng puso ng saging. Ampait pala nun. Napuyat na ako, wala pa ako nakuhang super strength. tsk sayang.  Sa susunod na pag-uwi ko kukuha na ako ng higaan.

14 Responses

  1. Bro,yung barkada ko may nakuhang agimat. Lagi siyang panalo sa sabong.Ang sabi niya sa akin,mgahanap daw ako ng babaeng iisa lang ang (sensored).Bunotin mo yun ng hindi niya alam.Itago mo sa wallet mo. Patok daw at siguradong lagi kang panalo sa sabong.Tip,kulot ito(kahit di kulot ang buhok ng may ari),maigsi pwede ding mahaba.Gets mo ba?

  2. totoo b tng amulet na ito

  3. nice story……sumakit tyan ko kakatawa…make somemore

    • akalain mo may napatawa ako.. eh kahit nanay ko sabi corny ako eh… thanks bro sana mapatawa pa uli kita balang araw…

    • huh? agimat tapos smart? uhmmm i don’t think so… bili ka n lng ng diksyonaryo just to be sure. I hope nakatulong ako…

  4. ano naman ang gagawinko sa pusang itim para may agimat ako?at ano rin gagawin ko sa puso ng saging?

    • yung pusang itim parang ililibing tapos after ng ilang araw or linggo.. kunin mo ung sa loob ng katawan na parang something (sensya na movie ko lng kc napanood ito and uhugin pa ako nung mapanood ko kaya medyo vague na yung facts sa isipan ko). yung sa puso ng saging namn wait mo daw yung pagbuka ng puso ng saging na bumuka sa kabilugan ng buwan at may tutulo daw dun na sasaluhin mo ng bibig mo… tapos lalakas ka na raw ata ( yung paglakas di ko sure… yung ngawit ng leeg pihadong makakamtan mo).

  5. paano mo masasabi na may agimat ka na nararamdaman sa katawan mo at amno ang pakiramdam mo pag gumana ito.

    • yun nga eh… gusto ko sana ung pang invisible.. para makaboso ng hindi nasasampal… hehehe. joke lng po MTRCB…

  6. paano mo masasabi na my agimat ka at ano ang mabuting gawain nito sa huli ano ang kapalit pagsubok ba o hindi,

    • d ko alam.. siguro masasabi mong may agimat ka pag nasubukan mo ng actual.. nga lng kung agimat mo eh di tinatablan ng bala.. paano kaya tetesting yun… kung paano naman mapapagana sabi nila eh may mga gagawin ka daw para paganahin at para patuloy na paganahin like chanting some words or doing some extreme tasks… sana kc may USER MANUAL na lang ang agimat para di na mahirapan yung gagamit nito at may warranty…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: