Anak ng Kulapo

Tribyut kay Kulapo dahil sya ay nawala, akala ng iba nilamon na ng lupa. Awa ng Dios buhay pa naman daw sya. Ngayon naniniwala na ako sa kasabihan na “kapag masamang damo, patay na ang kabayo”. At sa mga tanong kung nasan na sya at bakit wala na ang kopongkopong.com eh dahil eto na ang kanyang bagong website…

www.anaknikulapo.com

Kung bakit sya nawala eh eto ang kanyang paliwanag… where da hell is kopong kopong

So dahil nga sa tribyut eto sa kanya eh sya dapat ang bida. So this are the ten things ay like about him.

una. Aydol ko sya sa pagpapatawa kahit corny ipipilit nya basta makakuha lang ng mambababasa.

pangalawa. Dahil nagpakontes sya at doon maaari kang kumita ng… (drum roll please…)

Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)

Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above

Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT

$100 Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)

tri, por, payb… ten

wala na akong maisip kaya binilisan ko na lang ang pagbibilang.

Dahil sa pinoy sya na tulad ko at sikat sya (sikachupoy) sa mga jologs na tulad ko. At dahil sa mukha akong pera kahit singkong kulot papatulan ko kaya nagsisipsip ako. Magulang na kung magulang pero ganyan talaga ang labanan pag pera ang pinag uusapan. Pag ako na natalo dito hihingi ako ng recount, dahil walang natalong di umangal at walang nanalong hindi nandaya. Nga pala malaki syang impluwensya kaya ako nagkakaganito. Pati sa pagpapakuha ng piktyur nakatalikod na din ako. Haaaayyy nakakapagod at nakakaumay pag Spam na naman ang ulam mo, pero mas masagwa naman kung tutpik at tutbras ang titirahin mo. Kaya mag tyaga ka na lang kumain ng PAKAPLOG. Hindi pandesal, kape at itlog luma na yun eh. Ngayon ang Pakaplog ay sioPAo ng 711, KAPe ng Starbaraks at Kwek-kwek na itLOG. So kung ayaw mong mahawa sa sakit nyang HIV ay sumali ka na sa kanyang pautot malay mo mailagay ka rin sa kanyang mga kaututang dila, tignan mo ako wala. Pero ang blog nya na talagang natouch ako at “MEDYO” nakarelate. Yung powder o Lotion na blog ni Kulapo na hindi ko nahanap sa bago nyang site. Kaya kung nababasa mo eto kulapo, magparamdam ka at maglagay ka ng archives ng mga pinost mo. Para di ako nagkakandaduling kakahanap sa blog mo.

Nakita ko na at eto na ang link ng Powder o Lotion ni Kulapo.

KYUT din po ako… pero gabi na kaya ako’y matutulog muna, kaya sa mga gustong sumali jan, ano pang hinihintay nyo SALI NA!!! Wag nyo ng hintaying magkrismas dahil hanggang katapusan na lang ng Oktubre ang Pautot ni Kulapo. Di ko nga lang alam kung saan ang awarding. Wala lang gusto ko lang malaman malay nyo manalo ako, sayang naman kc pagdadasal ko sa quiapo kung di ako manalo. Pag nanalo ako magpapagupit ako tapos bibili ako ng peyborit kong tsibog. Kaya sana mag champion ako kung hindi naman kahit special mention lang.

Bakit kailangang mangupahan pa kung pwede namang magkabahay na. PAG IBIG ang kasagutan KABAYAN… Sana more to come from kulapo… more… more more…

12 Responses

  1. hehhehe. di ko pa naa-upadate yung links nung ibang mga archives ko. ksi dami nun babaguhing links. hehhe.

    pero tenkyu sa trubyut mo. ngayon, di na lang ako name, legend na. wahahahah.

    at dahil tats ako sa pautot mo, isasama ko din itong post na ito as extra entry bukod pa dun sa naunang ipinosy mo. sempre pede gawan ng exemption, ako gumagawa ng rules. nyahahah!

    p.s. pahingi naman ng piktyur. hindi 2×2. 125×125 para mas cute ka a blogrol ko. oke?

  2. sign up kaw sa entrecard.com pandagdag raffic. sabihin mo pinadala kita dun, sabay ilag. heheheh.

    teka, di ko lang alam kung ubra ang widget nun jan sa wordpress.com.

    di bale, kung ano, ako na lang gagawa ng 125 x 125 mo para maisalpak ko sa blogroll ko. pag mapangitan ka, sabihin mo lang.

  3. aba at talagang hinanap mo pa yung lotion ha? heheheheh.

  4. salamat naman sa pag gawa ng entrecard idol. wala kc sa bundok namin yan eh.
    ang tagal ko ngang nahanap kc bawat bukas ko ng newer post eh nagbabasa muna ako, inabot na nga ako ng antok ng biglang may sumampal sa aking mukha yung lotion na post mo na pala.

  5. wantusawa ako sa link. hehehhe.

  6. kulang pa nga aydol eh. inantot lang ako kagabi kaya natulog na aq. Mamaya dadagdagan at ieedit ko pa yan.

  7. repapits, nakuha ko mga pingback nito. kadami. heheheh.

    enihoo, ini-adjust ko yung awarding. sa bonifacio day na, nov 30. ksi iniipon ko pa yung papremyo. hehhee. saka 2 mnths ako absent sa blogging eh. sakto yung awarding, pangpasko. kung papano bobolahin, la pa ko ideya, baka sa sagingan na lang.

    o kaya gayahin ko yung style ni badudles na involve din ang ibang bloggers para walang dayaan at malinaw sa mga kasali.

  8. ikaw po bahala aydol. Kahit sa countdown pa ng bagong taon walang problema sa akin. At kahit sino judge basta pag natalo ako paparecount ako. Papaimbestigador at XXX ko kayo kung sakasakali. Hehehe. Mas maganda kung isulat sa bangkang papel. Mula ilog marikina papuntang ilog pasig sa lawton. Unahang makarating na lang dun. Parang pag botohan wala akong hakot eh.
    Ikaw po bahala basta tandaan mo alam ko itsura mo, alam ko san tirahan mo, alam ko kung saan ka dumadaan pag uwi mo… BWahahaha. Joke.

  9. wow, may pa-kontest pa lang ganito. ma-check out nga.

  10. aha! at mukhang may “hello garci” na nagaganap sa pakontes ni buraot!! hmm, kapag dalawa ang post kahit from the same blog ay considered as 2 entries din? teka, makapag-post nga abt buraot’s pakulo every 10 minutes, mula ngayon hanggang nov 30 @ 11:59pm, heheh!!

    good luck sa atin, pag nanalo ka, balato ko ha!🙂

  11. […] Banco de Reyna Batanggero Battle Ground Bossabos […]

  12. di pala pwede yun… di ko alam eh. binilang kc ni kulapo na dalawa entry ko eh.. baka duling lang syang talaga. ewan ko basta ako kionapi peys ko lang yun eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: