bYaheng eNgot

Kung bakit ganyan ang title eh basahin na lang ang karugtong nitong tinatype ko. Field work ang trabaho ko at ang destination ko madalas eh buong QC at Manila, tapos yung mga byaheng panorte gaya ng Bulacan, Pampanga at Zambales. Eh pagdating sa mga lugar eh tonto ako iisa lang ang ibig sabihin sa akin ng Roxas Boulevard, Quezon Boulevard at Aurora Boulevard. Ang West Ave., North Ave., East Ave. eh pare parehabYaheng eNgots din sa akin ang basehan ko nun eh dapat may landmark gaya ng tindero dun sa kanto ng yosi pag nawala yun dun sigurado naligaw na ako. Isang beses pinapunta ako sa bandang South sa may Coastal sa Baclaran. Hindi agad ako bumaba kc malayo pa sa stop light sabi ko sa kabila na lang ako bababa biglang dumerederecho dahil pagtawid pala nun eh tollgate na at bawal ng bumaba amputa sa Cavite na yata ako pinulot. So pagbaba ko eh with matching kamot ako sa ulo. Kinahapunan ng araw ding yun eh galing ako sa kung saan na hindi ko na matandaan basta dapat bumaba daw ako sa SM Bicutan eh di ko napansin kase aanga anga nga ako ayun nalampas na naman ako pinulot ang kawawang mama sa may Magallanes dahil bawal na namang magbaba sa kahabaan ng hiway na yun. Kaya abono ako to the max nung time na yun eh di pwedeng ireimburse ang katangahan, tubong lugaw sana ako. Tapos one time eh pinapunta naman ako sa Antipolo sa may bandang simbahan, eh dahil sa first time basta may Antipolong nakapaskil eh sakay agad ako sabi nung nag utos dulo daw yun pag nagbababaan na lahat bumaba na daw ako. So dulo nga kaya ginawa ko natulog muna ako dahil malayo naman ang byahe at sigurado gigisingin ako ng driver dahil dulo nga. Hindi ako nagkamali at pagdating sa kaduluduluhan eh ginising nga ako ng driver nga lang parang wala akong nakikitang Simbahan ng Antipolo??? Anak ng tungaw nasa Tanay na pala ako, nasakyan ko pala Tanay Antipolo dapat daw Antipolo simbahan. So balik uli ako di pa ako naniwala dun sa driver nung pagsakay ko nagtanong ako 15 pesos daw pamasahe papuntang Antipolo akala ko niloloko ako, nagbayad ako ng kwatro yun yung minimum tapos nagtanong ako dun sa Pulis na nagaabang ng mahuhuli. Aba’y nung tinanong ko sabi na tama yung driver na sinakyan ko. Kamot uli ako sa ulo at sakay uli ng jeep, pero ngayon di na ako natulog. Dyaske kaya pala ang sarap ng tulog ko na parang pinaghehele eh dahil puro bukid pala dinadaanan ng jeep papuntang Tanay. Pero hindi po talaga yan ang kwento ko. Yung susunod na paragraph sa ilalim yun talaga ang kwento ko. Haba ng intro noh…

Kaninang umaga eh dumerecho ako papuntang Pampanga para magserbis dun. Ng pauwi na ako eh sumakay ako sa Victory na ang destinasyon eh paCaloocan pero imbes na sumakay ng Express eh yung isa yung sinakyan ko pero hindi ordinary , ang “akala” ko eh electric fan at radio lang ang gamit kaya tinawag na ganun di ko lang matandaan yung nakapaskil eh pero pag naalala ko tyak na ilalagay ko dito, yun pala kaya di express papasok sa kaloob looban ng Pampanga at Bulacan as in para kang turista na namamasyal. So imbes na 1 hour mahigit inabot ako ng 2 hours mahigit. Pag dating ko tuloy ng bahay eh lamon de bandehado ang kain ko. Yun lang po thank you…

3 Responses

  1. Добавил в закладки.

  2. hehhe. ayan me russian ka pang coment sa itaas. nyeheheh.

    baliktarin mo kaya sa susunod yung t-shirt mo? lols!

  3. Aydol di ko nga alam yung sinabi nya eh buti alam mong russian akala ko tattoo eh… sabi ko ASTIG may tattoo blog ko…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: