Merry Xmas and Hapi New Year to all…

December na naman… at ciempre pagpatong ng december eh isa lang pumapasok sa utak ng mga tao… hindi yung laban ni pacquiao. Yung pasko… marami na namang pera at marami na namang gastusin. Maaalala mong ang dami mo na palang inaanak. Panalo na naman ang mga tindahan, siksikan na naman sa divisoria kelan ba hindi pero ngayon nga lang as in di mahulugang karayom ang d’soria. At pag maraming pera marami ring mandurukot at manggagantso. Kaya yung mga mamimili ng mga kung anek anek jan cguraduhing d ka aanga anga, dahil kung nagoyo ka malamang hanggang kamot with matching tears ang drama mo paguwi mo ng haus nyo.

At speaking of christmas mawawala ba ang paborito kong bibingka at putobumbong with matching tsaa pa. Haaayy mararamdaman mo na rin yung lamig ng simoy ng hangin lalo na pag magsisimbang gabi ka na. Pagandahan ng kasuotan, mas maporma mas maangas ang dating. Pero kung gusto mo umiwas sa riot magsimple ka na lang at magsimba na lang. Wag na yung simbang gilid mas magandang magcontemplate sa mga nangyari sa iyo ng buong taon at magpasalamat ka sa mga natanggap mo. Ano?! wala kang natanggap? Pagpasalamat mo na lang at buhay ka pa at nakaabot ka ng christmas. Isa pa sa inaabangan ko twing christmas eh ang pangangaroling ng mga bata with their own version and lyrics sa mga kantang pampasko, bitbit ang pinitpit na tansan at tambol na gawa sa lata ng gatas, lastiko at plastic.

Sabi sa iba tayo ang may pinakamahabang xmas celebration kc pagpasok pa lang ng “ber” months eh hapi hapi na tayo. At ciempre pag hapi hapi mawawala ba ang inuman sa mga xmas party, paparty ng inyong department, tapos yung divisi0n nyo tapos overall party, tapos yung sa bahay nyo pa tapos yung reunion party nyo pa. Kaya pagdating ng enero di ako nagtatakang marami ang high blood at tumaba. Pero pagdating nga ng enero balik ulit syempre sa realidad at maiisip mong pati yung tinabi mong pera ay nagastos mo din. Wala ka na namang pera at ang katotohanang may mga utang ka pa palang hindi nabayaran. Pero sabi nga ng mga pinoy first things first. Merry Christmas muna tapos Happy New Year tapos semana santa na agad… Haaaaayyy…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: