3 months to go…

muntik na akong lumampas sa kalendaryo buti na lamang at may 31 pa sa buwan ng January, March at kung ano ano pa. Basta 3 buwan na lang at magiging daddy na ako… eto pala feeling ng magiging ama. Masayang nakakataranta.. hindi ko na alam kung mood swings lang ba ng asawa ko ang mga nararamdaman nya o sadyang ganun na talaga sya. Anyways babae magiging anak ko, “pambayad utang” wak naman sana. Di ako naging mabuting anak subukan kong maging mabuting ama at asawa. Sana kaya ko yung dalawa, pero sa ngayon magtype muna ako ng matype kc wala lang gusto ko lang. At kung gusto mong magbasa ng magbasa di rin kita pipigilan. Yung asawa ko nakapili na ng pangalan. Ipafinalize na lang namin kung yun na ba talaga, kc 4 times na nya yatang pinapalitan yung name nung anak namin. Yung una eh sobrang haba as in four names daw eh di nakipagdebate ako sabi ko pag dating sa kinder nun, bago matapos nun ang pagsulat sa kanyang pangalan eh malamang uwian na. So binago pinaikli sumobra ikli  naman wala ng dating, so binago uli. Ngayon basta may Margarette daw sa pangalan. Ah basta hintayin ko pa uli ang mga susunod na kabanata. Ako? Prefer kong pangalan? Hmmm… Proserfina!! joke. Uhmmm… Ressurecion kaya gaya ng tita ko, wak medio makaluma. Sino ba may mga suggestions, comments at pera jan padala nyo naman po dito sa akin. Thanks in advance.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: