Sayonara…

A few more days to go and we’ll bid farewell to our home here in Tondo that has been our home for the past 3 decades or so. Yup almost 3 decades na akong nakatira sa haus namin d2 sa Tondo dahil trenta pa lang naman ako. Lilipat na kami sa bahay na nabili nila ermats sa Novaliches malapit sa TV 5. Ibang iba sa kinagisnan kong lugar, dito tahimik na animo parang isang ghost town although may mga tao naman nga lang ganun yata talaga pag subdivision. Kaiba dito sa Tondo na akala mo hindi nauubusan ng tao, mula umaga hanggang madaling araw may mga taong pagala gala. Grabe ang dami kong mamimiss sa lugar na eto kahit na ba hindi ako palalabas at palakaibigan. Homebody kasi ako at mahilig lang manood ng TV o di kaya ng DVD. Pero halos naman lahat kilala ako dahil kilala si erpats sa lugar namin. Hindi po barumbado erpats ko at hindi sya pinaghahanap ng batas. Di rin sya politician o manginginom, wala nga syang bisyo eh. Di rin sya palakaibigan tulad ko, nagkataon lang  na naging Supervisor sya sa Bataan Manufacturing na dito rin sa Tondo nakalagak kaya kilala sya. Parang pribilehiyo kasi namin ang bahay na eto dahil sa kompanyang eto nagtatrabaho silang dalawa ni ermats. Boring na noh. Haba kase ng kwento eh ang nakakatuwa lang dun pag labas ng pinto ng bahay namin nasa trabaho na agad si erpats, si ermats naman ilang hakbang lang office na nila pero nalelate pang madalas si mama dahil sa katagalang kumilos. Ganun yata talaga ang mga babae eh o sadyang ganun lang talaga pag malapit ang trabaho mo. Basta yun na yun. Mamimiss ko yung ingay ng mga makinaryang ginagamit sa pag buo ng mga hospital equipments na minsan talagang gigising at gigising sa iyo kahit ayaw mo pang gumising. Dito ako natuto ng mga kalokohan ko nung bata ako. Ikwekwento ko na lang sa ibang pagkakataon. Mamimiss ko yung mga kabiruan kong mga trabahador. Ang mga pasaway na mga daga, na kung iharap mo sa pusa eh takbo agad. Oo takbo agad ang pusa, kung sa aso may bulldog sa daga may bullrat. Mamimiss ko yung riot dito na ewan ko kung nakaschedule basta parang sine laging huli ang pulis kung dumating. Mamimiss ko si pokwang na runner ng mga sinasangla at binebentang gamit. Nakakuha ako sa kanya ng Nokia 7210 na ginagamit ngayon ng aking asawa. O saka na uli masyado na mahaba at alam kong pinipigilan mo na ang paghikab mo. Next time na lang uli mageempake pa ako ng ilang mga gamit eh.

2 Responses

  1. Niсе blоg! It’s a pitу that thеrе’s not а lot of commеnts. Bеst rеgards, Cheap airline tickets

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: