PESO TO A MILLION

I had a dream… and I am still dreaming.

I have a baby girl…

Her name is Lyza Rhaine Pangilinan Espinola. She was born on May 11, 2009 at Quirino Memorial Medical Hospital at 8:30 PM. She is 7.4 lbs, her mom almost had a caesarian operation because of my baby’s size but luckily she delivered her normal.

Image055

Sayonara…

A few more days to go and we’ll bid farewell to our home here in Tondo that has been our home for the past 3 decades or so. Yup almost 3 decades na akong nakatira sa haus namin d2 sa Tondo dahil trenta pa lang naman ako. Lilipat na kami sa bahay na nabili nila ermats sa Novaliches malapit sa TV 5. Ibang iba sa kinagisnan kong lugar, dito tahimik na animo parang isang ghost town although may mga tao naman nga lang ganun yata talaga pag subdivision. Kaiba dito sa Tondo na akala mo hindi nauubusan ng tao, mula umaga hanggang madaling araw may mga taong pagala gala. Grabe ang dami kong mamimiss sa lugar na eto kahit na ba hindi ako palalabas at palakaibigan. Homebody kasi ako at mahilig lang manood ng TV o di kaya ng DVD. Pero halos naman lahat kilala ako dahil kilala si erpats sa lugar namin. Hindi po barumbado erpats ko at hindi sya pinaghahanap ng batas. Di rin sya politician o manginginom, wala nga syang bisyo eh. Di rin sya palakaibigan tulad ko, nagkataon lang¬† na naging Supervisor sya sa Bataan Manufacturing na dito rin sa Tondo nakalagak kaya kilala sya. Parang pribilehiyo kasi namin ang bahay na eto dahil sa kompanyang eto nagtatrabaho silang dalawa ni ermats. Boring na noh. Haba kase ng kwento eh ang nakakatuwa lang dun pag labas ng pinto ng bahay namin nasa trabaho na agad si erpats, si ermats naman ilang hakbang lang office na nila pero nalelate pang madalas si mama dahil sa katagalang kumilos. Ganun yata talaga ang mga babae eh o sadyang ganun lang talaga pag malapit ang trabaho mo. Basta yun na yun. Mamimiss ko yung ingay ng mga makinaryang ginagamit sa pag buo ng mga hospital equipments na minsan talagang gigising at gigising sa iyo kahit ayaw mo pang gumising. Dito ako natuto ng mga kalokohan ko nung bata ako. Ikwekwento ko na lang sa ibang pagkakataon. Mamimiss ko yung mga kabiruan kong mga trabahador. Ang mga pasaway na mga daga, na kung iharap mo sa pusa eh takbo agad. Oo takbo agad ang pusa, kung sa aso may bulldog sa daga may bullrat. Mamimiss ko yung riot dito na ewan ko kung nakaschedule basta parang sine laging huli ang pulis kung dumating. Mamimiss ko si pokwang na runner ng mga sinasangla at binebentang gamit. Nakakuha ako sa kanya ng Nokia 7210 na ginagamit ngayon ng aking asawa. O saka na uli masyado na mahaba at alam kong pinipigilan mo na ang paghikab mo. Next time na lang uli mageempake pa ako ng ilang mga gamit eh.

Wanna Party at the Playboy Mansion?!

Wlang istiran. Nabasa ko lang eto sa Joetech.com eh sayang naman kung hindi ko ipapamahagi d ba? Anyways ang main reason ay dahil di ko maintindihan kung paano etong pakulong eto. Di katulad nung kay Kulapo na kahit paslit kayang unawain. So try nyo visit website na eto malay nyo makapunta kayo ng LIBRE sa Playboy Mansion ng libre. Inulit ko ba? Sowee. Ganyan kc ako pag naeexcite.

click nyo eto kung intereted kayo… walang halong biro at walang halong virus. Pwamis

Pag naintindihan nyo na eh ipakalat nyo sa ibang ganito din ang pangarap. Ako sa ngayon contented na sa nalalapit kong pagiging ama. Pero di ako ipokrito sinong ayaw pumunta sa Playboy Mansion d ba.

3 months to go…

muntik na akong lumampas sa kalendaryo buti na lamang at may 31 pa sa buwan ng January, March at kung ano ano pa. Basta 3 buwan na lang at magiging daddy na ako… eto pala feeling ng magiging ama. Masayang nakakataranta.. hindi ko na alam kung mood swings lang ba ng asawa ko ang mga nararamdaman nya o sadyang ganun na talaga sya. Anyways babae magiging anak ko, “pambayad utang” wak naman sana. Di ako naging mabuting anak subukan kong maging mabuting ama at asawa. Sana kaya ko yung dalawa, pero sa ngayon magtype muna ako ng matype kc wala lang gusto ko lang. At kung gusto mong magbasa ng magbasa di rin kita pipigilan. Yung asawa ko nakapili na ng pangalan. Ipafinalize na lang namin kung yun na ba talaga, kc 4 times na nya yatang pinapalitan yung name nung anak namin. Yung una eh sobrang haba as in four names daw eh di nakipagdebate ako sabi ko pag dating sa kinder nun, bago matapos nun ang pagsulat sa kanyang pangalan eh malamang uwian na. So binago pinaikli sumobra ikli¬† naman wala ng dating, so binago uli. Ngayon basta may Margarette daw sa pangalan. Ah basta hintayin ko pa uli ang mga susunod na kabanata. Ako? Prefer kong pangalan? Hmmm… Proserfina!! joke. Uhmmm… Ressurecion kaya gaya ng tita ko, wak medio makaluma. Sino ba may mga suggestions, comments at pera jan padala nyo naman po dito sa akin. Thanks in advance.

Games of the Generals

Kabibili ko lang ng GG kahapon. Wala kasi akong pambili ng PSP kaya GG muna binili ko. At doon ko lang nalaman na ang inbentor nito ay isang Pinoy… Ang Game of the Generals, also called Salpakan (in Tagalog) and simply The Generals, is an educational wargame invented in the Philippines by Sofronio H. Pasola, Jr. in 1970. It can be played within twenty to thirty minutes. It is designed for two players and requires the use of logic. The games simulates armies at war trying to outflank and outmaneuver each other. As in actual warfare, the game allows only one side’s plan to succeed. Certain strategies and tactics, however, allow both sides the chances of securing a better idea of the other’s plans as the game progresses. Players can speak with other during matches, hoping to make a false impression on where the flag is.

Ranks:

Five-star General – pinakamataas sa lahat talo lahat pwera spy

Four-star General – 2nd to the highest olats sa 5 star at spy

Three-star General – 3rd to the highest olats sa 5th, 4th at saka spy

Two-star General – alam nyo na siguro kung saan talo nito

One-star General – syempre eto din basta pababa lang etong series na eto

Colonel

Lt. Colonel

Major

Captain

1st Lieutenant

2nd Lieutenant

Sergeant

Private – lampa sa lahat pero talo nito ang flag at ang spy

Spy – talo lahat pwera lang ang private

Flag – pinakaimportanteng pyesa, talo nito ang kalabang flag kumbaga sa chess eto yung king

disyEmbre trEs

Hmmm.. wala pang masyadong importanteng naganap sa araw na eto. Bukod sa birthday ng pinsan kong si mecmec eh monthsary rin namin ng mahal ko. Mec Hapi birthday cencia na sa atraso ko noon. Mahal happy 19th monthsary sana hindi mo na ako awayin. Pero ang pinakaaabangan ko sa araw na eto eh ang pag tambyolo ng mga kasalo at nakibahagi sa patimpalak ni KULAPO. Kung mananalo ako… ang unang una kong gagawin eh magtatago alo na sa mga pinagkakautangan ko. Yung mga inaaanak ko ngayong pasko eh ilista nyo muna hanggang sa magdebut kayo para todo pati pato ang regalo ko sa inyo. Pag natalo naman ko eh syempre magdadasal na sana manlibre ang mananalo. BURGER BURGER BURGER.