3 months to go…

muntik na akong lumampas sa kalendaryo buti na lamang at may 31 pa sa buwan ng January, March at kung ano ano pa. Basta 3 buwan na lang at magiging daddy na ako… eto pala feeling ng magiging ama. Masayang nakakataranta.. hindi ko na alam kung mood swings lang ba ng asawa ko ang mga nararamdaman nya o sadyang ganun na talaga sya. Anyways babae magiging anak ko, “pambayad utang” wak naman sana. Di ako naging mabuting anak subukan kong maging mabuting ama at asawa. Sana kaya ko yung dalawa, pero sa ngayon magtype muna ako ng matype kc wala lang gusto ko lang. At kung gusto mong magbasa ng magbasa di rin kita pipigilan. Yung asawa ko nakapili na ng pangalan. Ipafinalize na lang namin kung yun na ba talaga, kc 4 times na nya yatang pinapalitan yung name nung anak namin. Yung una eh sobrang haba as in four names daw eh di nakipagdebate ako sabi ko pag dating sa kinder nun, bago matapos nun ang pagsulat sa kanyang pangalan eh malamang uwian na. So binago pinaikli sumobra ikliĀ  naman wala ng dating, so binago uli. Ngayon basta may Margarette daw sa pangalan. Ah basta hintayin ko pa uli ang mga susunod na kabanata. Ako? Prefer kong pangalan? Hmmm… Proserfina!! joke. Uhmmm… Ressurecion kaya gaya ng tita ko, wak medio makaluma. Sino ba may mga suggestions, comments at pera jan padala nyo naman po dito sa akin. Thanks in advance.

mama’s birthday

February 1st, my mom’s 56th birthday. Her name is Florinda Espinola, an ilocana that is tisay.

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

a forwarded message from my cousin Jo-ann and Naome in friendster.
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng “binge!” paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ….
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…

back with a vengeance…

nah… i’m just back from my vacation. I enjoyed it so much as well as Nicole, though there are some flaws like some petty quarrels and the fact that I forgot to bring my digicam. waaaaahh. But all in all, the experience with my love one is memorable even without the use of a digicam (sourgraping) hehehe. It was her first experience to swim in a beach, and that was as she said best experience of her life. I introduced her to my relatives in zambales.

$6.00 Welcome Survey After Free Registration!